Ligaw na bala

Sinubukan na ikasa,

hindi makahinga

ang daliring kapit patalim sa gatilyo.

Itinutok sa tudlaang nakaharap sa iba,

kabadong pag-asinta

sabay sa usok mula sa sigarilyo.

Sunud-sunuran ang mata

saan man dalhin ng asintahan.

Handa bang iputok kahit peligroso.

Ligaw na bala

na ako ang putirya,

hindi nakasakit kundi sumaklolo.

Leave a comment